Wednesday, July 2, 2008

Pagikot ng mundo

Minsan sana tumigil ang oras, kahit isang taon lang, na walang tatanda at walang prublema.
Pero, hindi nga naman natin mapapatigil ang oras. Ang magagawa lang natin ay harapin lahat ng prublema habang tayoy tumatanda.
Ang bilis lumipas ng panahon ano? Parang kahapon lang noong una tayong magkakilala.
Kung iisipin, ilang taon narin ang lumipas. Marami nang nangyari, at ang mga pagkakamali ay di na mailalagay sa tama.
Ngunit kahit ganun pa man, naging masaya din tayo minsan. Ang mga matatamis na alaala ang baon ko sa paglipas ng panahon.
Salamat at nakilala kita. Di kita malilimutan habang buhay. Maglaho man ako sa mundong ito.

No comments:

Post a Comment